Tuesday, March 31, 2009
Puto, Kuchinta, Sapinsapin
Nagising ako ng pag potpot at sigaw ni manong puto't kuchinta! Makailan ulit sya ngpabalik balik ng potpot at pagsigaw. Hinde nya ba alam na masyado pang maaga para sa almusal? Nais ko pa sanang bumalik sa pagtulog. Subalit walang patid ang pag potpot. Aaargh! Sige na manong pagbilhan mo na ako kung ano man yan tinitinda mo. Magkano ang isa? "Limang piso bawat isa", sagot niya. Sige po tig isang puto at kuchinta! "Bakit hinde mo na lang gawin bente pesos limang klase assorted?" Ganun? sabi ko sarili ko. Ikaw ba ang dapat mag desisyon kung ilan ang bibilhin ko? Aaagh! Masama talagang inisin ang bagong gising! Paano ko naman ubusin ang 5 piraso nun aber! Subalit ng buksan na nya ang lalagyanan ng puto't kuchinta....haizzzzzzzzzz bigyan mo ko ng bente!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment