Saturday, August 4, 2007

Kung ikaw daw ay "insomniac"

1. Magbilang ka daw ng tupa (pati nga balahibo ng tupa naisipan ko na din bilangin, la pa din epek).

2. Uminom ka daw ng gatas bago matulog. Ilang tasa na nga ang tinungga ko eh. Lalo ko hinde nakatulog. Nag pururot na kasi ko dahil sa gatas. Masama pala ang sobra.

3. Ikutin mo daw ang unan mo ng 3 beses. Hinde ko maintindihan kung saan ang logic nito, pero... wag kang tumawa...hmmmmp! ginawa ko na din ito. Useless! grrrrrrrrr.

4. Ibahin mo daw ang pwesto ng pagtulog mo. Lipat ka nman daw sa ibang side. Naikot ko na nga lahat ng kanto ng kama ko, aba't ala pa din. Dilat pa din ako!

5. Eto bago...mag - blog daw ako. Aysus lalo ko hinde makatulog kasi kailangan ko matapos itong post na ito bago ko ipikit ang mga mata ko. Hinde ko mapapakali pag hinde ko ito na-ipost.Hala adik ka na!

Ay naku wala talaga ko maisip kung paano makatulog. Nasaan na ba ang dyosa ng pagtulog, dalawin mo naman ako oh!!!

No comments:

Post a Comment